Nagbigay ang European Union (EU) ng fund assistance program para suportahan ang drug rehabilitation ng mga drug addicts sa bansa sa kabila ng mga patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen ay naalarma ang EU sa nailagay sa masamang imahe ang naturang organsisayon sa mga nakaraang linggo.
Matantandaan na minura ni Duterte ang EU kasunod ng paglabas nito ng limang pahinang resolusyon na kung saan kanilang ikinakabahala ang malaking bilang ng mga drug suspects na napapatay ng pulisya at mag vigilante sa Pilipinas.
Dagdag ni Jessen na mananatili ang pagsuporta ng EU sa Pilipinas sa kabila ng mga kritisimo ni Duterte.
Aniya ni Jessen ang delegasyon ng EU sa Pilipinas ay nakikipagtulunagn sa the Department of Health sa pagsugpo sa drug abuse sa bansa.
Sinabi pa ni Jessen na umabot na sa 3 bilyong piso kada taon ang fund assistance ng EU sa bansa kung saan malaking bahagi nito ay napupunta sa health sector.