Ipinasara ng Makati City government ang 58 business establishments matapos mapag-alamang nagpapatuloy ang mga ito sa operasyon ng walang kauukulang permit mula noong July.
Karamihan sa mga naturang business establishments ay lumabag sa Section 4 A.01 ng Revised Makati Revenue Code or City Ordinance No. 2004-A-025 dahil wala ang mga ito ng Mayor’s Permit.
Ayon kay Makati Mayor Abigail Binay ang pagkakaroon ng Mayor’s Permit ay basic requirement para makapagnegosyo sa lungsod.
Aniya ni Binay, hindi kukunsintihin ang ganitong mga paglabag sa batas.
Ayon sa Business Permit Office (BPO) ng lungsod mula July 1 hanggang September 27, nakapagtala ang lungsod ng aabot sa 1, 033 na mga bagong business at 297 na renewal ng business permit.
Nanawagan si Binay sa mga Barangay Captain na bantayan ang kanilang mga nasasakupan para masigurong nasusunod ang revenue code at ibang mga batas at ordinansa ng lungsod.
Ang mga sinarang mga business establishments ay mga restaurants, parking spaces, computer shops, internet cafés, hotel, dormitoryo, eateries ocanteens, mga tindahan na nagbebenta ng mga cellphone at accessories, bakeshops, carwash shops, watch repair shops at mga tindahan na nagbebenta ng mga assorted items.