Nakababatang kapatid ni Sen. Defensor-Santiago, inalala ang Senadora

Inquirer.net Photo
Inquirer.net Photo

Inalala ni Nenalyn Defensor, nakababatang kapatid ni Dating Senador Miriam Defensor-Santiago, ang senadora sa isinagawang tribute ng UP Vanguards kung saan si Miriam ay nagsilbing corps sponsor noong 1969.

Ayon kay Defensor, laging nagkakaroon ng debate ang kanyang pamilya kapag napag-uusapan kung si Miram ay halimbawa ng “beauty and brains”.

Sinabi ni Nenalyn Defensor na dating chief ng Comnmission on Higher Education, na kanyang name-miss ang masasayang araw ng kanilang pamilya.

Dalawa na sa pitong magkakapatid na Defensor ang yumao na habang ang iba naman ay nakabase na sa US at Netherlands kung saan tanging si Nenaly at si dating Armed Forces Chief of Staff Gen. Benjamin Defensor ang naninirahan sa Pilipinas.

Ayon kay Nenalyn na si Miriam ang rock start ng kanilang pamilya.

Read more...