U.P tutulong sa pagbuo ng peace agreement sa pagitan ng gobyerno at NDF

U.P1
U.P

Lumagda sa isang kasunduan ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at University of the Philippines.

Laman ng kanilang kasunduan na tutulong ang U.P sa pamamagitan ng mga academic experts at mga scholars sa pagbuo ng draft para sa binabalangkas na peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front.

Sinabi ni U.P President Alfredo Pascual na nagkasundo sila ni OPAPP Sec. Jess Dureza na magtulungan para matiyak na mailalagay sa mga tamang pananalita ang binubuong draft ng kasunduan.

Kabilang dito ang pagtulong ng U.P sa research work, pagbuo ng mga workshops, peace educations, pagpapakalat ng impormasyon at pagsasagawa ng mga forums.

Samantala, tutulong naman si government peace panel member Hernani Braganza sa pagbuo ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

Tutulong si Braganza kay  Atty. Efren Moncupa na nauna nang itinalaga para mamuno sa komite na tututok sa CASER na maglalaman ng mga detalyadong impormasyon ng mabubuong peace agreement.

Mamayang gabi ay muling tutulak papunta sa Oslo, Noway ang grupo ni Dureza para sa ikalawang round ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF.

Read more...