Weekend magiging maulan dahil sa bagyong Igme

Igme
Pagasa

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Igme kaninang alas diyes ng umaga,

Namataan ang bagyo 1,380 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 100-kilometers per hour at pagbugsong nasa 125 kilometers per hour.

Kumikilos ito ng 25 kilometers per hour patungo sa hilagang kanluran ng Luzon.

Nagpa-alala ang Pagasa na magkakaroon ng mga pag-ulan ngayong weekend dahil sa epekto ng southwest monsoon o habagat na palalakasin ng bagyong Igme.

Tiniyak naman ng weather bureau na hindi magla-landfall ang nasabing bagyo.

Kaninang umaga ay isinailalim sa yellow alert warning ang Zambales at Bataan dahil sa habagat na mas lalo pang pinalakas ng bagyong Igme.

Read more...