Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, wala pa namang timetable na itinakda para sa pagpapalaya sa mga dayuhan pero nais ni Pangulong Duterte na gawin ito sa lalong madaling panahon.
Sa utos din ni Duterte, ang pamahalaan ng Pilipinas ang gagastos sa pagpapabalik sa mga Vietnamese sa kanilang bansa.
Maging ang mga Vietnamese vessels na ginamit sa illegal fishing activities at hawak ngayon ng Philippine authorities ay ibabalik din sa Vietnam.
Hindi pa malinaw kung gaano karaming Vietnamese fishermen ang makikinabang s autos ni Pangulong Duterte, pero batay sa mga naunang ulat pitong mangingisdang Vietnamese ang inaresto ng Philippine Navy sa Currimao, Ilocos Norte noong October 2015.
Habang noong September 8, labingpitong maginginsdang Vietnamese din ang dinakip sa Vigan City sakay ng tatlong bangka dahil sa panghuhuli ng isda sa karagatan ng Pilipinas.