Labingsiyam na araw tatagal ang days of mourning sa Iloilo City hinggil sa pagpanaw ni Senator Miriam Defensor-Santiago.
Si Santiago ay ipinanganak sa lungsod noong June 15, 1945.
Sa bisa ng Executive Order Number 42 ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, nagsimula ang days of mourning kahapon, Sept. 29 at tatagal hanggang sa October 17.
Iniutos din ni Mabilog ang pananatili sa half-mast ng mga watawat sa Iloilo City sa nasabing mga petsa.
Sa Iloilo nag-aral si Santiago mula preschool hanggang college kung saan nagtapos itong valdictorian sa La Paz Elementary School; valedictorian din sa Iloilo Provincial National High School at magna cum laude sa University of the Philippines Visayas (Iloilo campus).
MOST READ
LATEST STORIES