Olongapo City, nakararanas ng pagbaha, dahil sa patuloy na pag-ulan

Photo from Manjari Bandejas
Photo from Manjari Bandejas

Binabaha ngayon ang ilang mga barangay sa Olongapo City dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.

Partikular na apektado ng pagbaha ang Barangay Mabayuan, gayundin ang bahagi ng East Tapinac.

Hindi rin passable sa mga motorista ang Otero Extension, papasok sa Gordon Heights dahil lubog ito sa tubig baha.

Sa abiso ni Olongapo City Vice Mayor Jong Cortez, pinaiiwas muna ang mga motorist sa pagdaan sa Kalaklan National Highway malapit sa oceanview dahil barado ang kalsada ng landslide.

Sinisikap na g mga tauhan ng City Engineering office na linisin ang humuhong lupa sa kalsada.

Una nang inanunsyo ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino na suspendido na ang panghapon na klase sa Olongapo City sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan dahil sa sama ng panahon.

 

 

 

Read more...