Sa 11:00AM weather advisory ng PAGASA, humina na ang Habagat pero makararanas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at sa lalawigan ng Mindoro.
Dahil sa paghina ng Habagat, sinabi ng PAGASA na ito na ang huling weather advisory na ilalabas nila hinggil dito, maliban na lamang kung muling magkaroon ng pag-iral ng Southwest Monsoon sa susunod na mga araw.
Samantala, ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa 230 kilometers East ng Tuguegarao City.
Maliit naman ang tsansa na mabuo bilang isang ganap na bagyo ang nasabing LPA.
Ang bagyong may international name na Chaba at nakatakda namang pumasok sa bansa bukas ng umaga ay huling namataan sa layong 1,500 kilometers East ng Southern Luzon.
Taglay ng nasabing bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kilometers kada oras.