(UPDATE) Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Pampanga dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan na epekto ng umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.
Sa abiso ng PAGASA, alas 2:00 ng hapon itinaas ang yellow warning level sa tatlong lalawigan at inabisuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Samantala, thunderstorm naman ang nakaaapekto at mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa susunod na dalawa hanggang sa tatlong oras.
Habang sa susunod pang mga oras, maaapektuhan na rin ng thunderstorm ang Batangas at Quezon.
Light to moderate na may occasional heavy rains naman ang nakaaapekto sa MetroManila at Bulacan gayundin sa Rizal at Tarlac.
Nakatakdang magpalabas ng susunod na abiso ang PAGASA mamayang alas 5:00 ng hapon.