Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Charles Jose, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad ng Pilipinas sa New Jersey wala namang napaulat na may Pinoy na nadamay sa train crash.
Binangga ng isang tren ang platform at pader sa New Jersey Station kahapon na ikinasawi ng isang babaeng pasahero at ikinasugat ng mahigit isangdaan na iba pa na nag-aabang ng tren.
Nakilala ang biktima na si Fabiola Bittar de Kroon, 34 anyos.
Sa ulat, ang train #1614 ag galing sa Spring Valley, New York at ang istasyon sa New Jersey ang huling hihintuan nito.
Pero nagulat ang mga pasahero na napakabilis ng tren at hindi ito pumreno ng dumating sa istasyon dahilan para sagasaan nito ang platform at pader maging ang mga nag-aabang na pasahero.