Ang Tropical Storm Chaba naman ay huling namataan sa 1,815 kilometers East ng Luzon at taglay na ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers kada oras.
Nasa labas pa ng bansa ang nasabing bagyo at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, araw ng Sabado.
Tatawagin itong Igme sa sandaling pumasok ng bansa.
Pa-kanluran pa rin ang direksyon ng bagyo sa bilis na 22 kilometers kada oras.
Ayon sa PAGASA, apektado ng Habagat ang buong Luzon at makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.