Sa abiso ng US-CDC, pinapayuhan ang mga mamamayan nila lalo na ang mga buntis na iwasan o ipagpaliban ang non-essential travel sa labing isang Southeast Asian countries.
Kabilang sa mga tinukoy na bansa ang Brunei, Myanmar, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Maldives, Pilipinas, Thailand, East Timor at Vietnam.
Ito ay dahil sa umano ay pagkakaroon ng mga kaso ng Zika sa nasabing mga bansa.
Ayon sa US-CDC, napakadelikado lalo na sa mga buntis kung sila ay tatamaan ng sakit, dahil maaapektuhan ang kanilang ipinagbubuntis na sanggol.
Ang Zika virus na mosquito-borne disease ay unang natuklasan sa Brazil noong nakaraang taon at mabilis na kumalat sa iba pang bahagi ng mundo.