Duterte, hindi makikipag-usap kay Jaybee Sebastian

 

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-usap sa convicted drug lord na si Jaybee Sebastian.

Una na kasing sinabi ng abogado ni Sebastian na magsasalita lamang ang kaniyang kliyente kung ito ay sa harap lang ng pangulo.

Sa kaniyang pagbabalik sa Davao City galing sa kaniyang official visit sa Vietnam, ito ang kaniyang isinagot sa tanong na kung papayagan niya bang makausap siya ni Sebastian kung may ibubunyag itong mga impormasyon.

Ngunit iginiit ng pangulo na hindi siya nakikipag-usap sa kriminal.

“I do not talk to criminals. Talk to the fiscal if you want,” sabi ng pangulo.

Dumating si Duterte sa Davao City pasado alas-2:00 ng madaling araw, at nagpaunlak ng panayam sa mga kawani ng media.

Read more...