Pacquiao, aminadong dating gumamit ng iligal na droga

 

Inquirer file photo

Inamin ni Pambansang Kamao at Senator Manny Pacquiao na minsan na siyang gumamit ng iligal na droga noong siya pa ay nasa kaniyang kabataan.

Ayon kay Pacquiao, nasubukan niya ang iba’t iba o halos lahat na ng uri ng iligal na droga noong siya ay teenager pa.

Nangyari aniya ito sa loob ng ilang taon, bago pa siya naging kampyon.

Mababatid na isa ang senador sa mga kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pangunahing layunin sa panunungkulan ay supilin ang problema ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi rin ni Pacquiao na hindi niya nabanggit sa pangulo ang tungkol sa kaniyang karanasan sa iligal na droga, pero tiwala naman siyang hindi ito makakaapekto sa kanilang relasyon.

Naniniwala rin si Pacquiao na ang pangulo ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga taong tunay na nagnanais magbago.

Read more...