Gov’t. employees, kasali sa MM Shake Drill.

Inquirer file photo

Inatasan ng Malacañang ang lahat ng opisina ng gobyerno na makiisa sa gagawing shake drill bukas July 30, 2015.

Nakapaloob ito sa Memorandum Circular no. 79 na inisyu ng Malacañang.

Sakop ng circular ang lahat ng ahensya ng gobyerno, departamento, bureau, government owned and controlled corporation at maging mga local government units.

Pangungunahan ang shake drill ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council sa ilalim ng Metro Manila Development Authority o MMDA.

Hinikayat din ng Malacañang pati ang pribadong sektor at mga volunteer group na makiisa sa maayos na pagdaraos ng sabayang shake drill sa buong kamaynilaan./ Alvin Barcelona 

 

Read more...