Recto, di interesado sa committee chairmanship

Inquirer.net file photo

Walang interes si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na pamunuan ang senate committee on finance na binakante ni Senador Chiz Escudero.

Ayon kay Recto, mas makabubuti kung mas batang senador ang bibigyan ng pagkakataon na pamunuan ang nabanggit na makapangyarihang komite.

Tiniyak naman ni Recto na mananatili siyang vice chairman ng finance committee kung saan tutulong siya sa pagbusisi sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng mahigit 3 trilyung piso.

Paniwala ni Recto, tatakbong bise presidente si Escudero kaya binitiwan nito ang finance committee.

Kailangan aniya ni Escudero ng sapat na panahon para kausapin ang kanyang mga lider at consultants para sa gayon ay matulungan siya na bumuo ng socio at economic program na dadalhin niya sa kanyang kampanya./Chona Yu

Read more...