Sa pagbalik ng pangulo sa Davao City mula sa kaniyang official visit, nagbigay siya ng talumpati sa harap ng media kaugnay sa mga naganap sa nasabing pag-bisita.
Ayon sa pangulo, isang malaking karangalan ang maramdaman ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga “hardworking kababayans” o overseas Filipino workers na naroon sa Vietnam.
Ani pa Duterte, ang kaniyang pagpunta sa Hanoi ay naging isang malaking hakbang sa pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas sa Vietnam.
Nabanggit ng pangulo na nakausap niya sina Vietnamese President Tran Dai Quang at Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, ngunit tumanggi naman siyang magbigay ng detalye tungkol dito dahil hindi aniya ito “for public use.”
Natapos ang panayam ni Duterte sa media alas-3:00 ng madaling araw.