Mga nakikiramay, dagsa na sa burol ni Sen. Miriam

 

Kuha ni Rod Lagusad

Patuloy ang pagdating ng mga nakikiramay sa pagpanaw ni dating Sen. Miriam Defensor-Santiago sa The Cathedral Grotto ng Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City.

Ilan sa mga malalaking personalidad na dumating ay sina dating Senator at ngayo’y Taguig Rep. Pia Cayetano at ang dating vice presidential candidate at katandem ni Santiago na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Nauna na ring dumalaw sina dating House Speaker Feliciano Belmonte Jr at Rep. Rodolfo Fariñas.

Nagpaunlak naman ng maiksing panayam si Cayetano sa media kung saan kaniyang ibinahagi ang kalungkutan sa pagpanaw ng senadora.

Binuksan dakong alas-8:00 ng gabi ang public viewing ni Santiago at ngunit pansamantala namang isasara sa publiko bandang alas-2 o alas-3:00 ng madaling araw at muling bubuksan ng alas-7:00 ng umaga.

Samantala nananatili pa rin sa labas ng grotto ang media at pinaalalahanan naman ang mga pumapasok sa loob na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng litrato.

Patuloy naman ang pagdating ng mga bulaklak mula sa mga nakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Santiago.

Read more...