Labi ni Sen. Miriam, dumating na sa Immaculate Conception Cathedral

 

Inquirer.net Photo
Inquirer.net Photo

Nasa Immaculate Conception Cathedral bago mag alas 8:30 ng gabi ang labi ng yumaong senadora na si Miriam Defensor Santiago.

Idiniretso ang bangkay ng senadora sa Grotto chapel sa gilid ng katedral kung saan ito kasalukuyang nakaburol.

Noong una ay isinara sa publiko ang burol para mabigyan ng panahon ang pamilya Santiago na makapiling ang senadora ng pribado.

Kabilang sa mga personalidad na dumating na dumating ay sina dating house speaker Sonny Belmonte at Congressman Rudy Fariñas.

Sa ngayon, mahaba na ang pila para sa public viewing sa labi ng senadora.

Read more...