16 milyong estudyante, pinurga

dewormingAabot sa 16 milyong mga mag-aaral sa mga pampublikong elementarya sa bansa ang sabay-sabay ba pinurga laban sa bulate.

Ito ay sa isinagawang nationwide deworming ng Departmeng of Health (DOH).

Idinaos ang launching ng “Oplan Goodbye Bulate” sa Mandaluyong Elementary School na pinanguhan ni Health Secretary Janet Garin, Mandaluyong City Mayor Benjur Abalos at iba bang kinatawan ng DOH.

Ayon kay Garin, tuwing anim na buwan isasagawa ang “deworming” kung saan target nila ang mga batang nasa edad 5 hanggang 12.

Sa sabayang deworming activity sa buong bansa, binigyan ng chewable tablet ang mga bata.

Ayon kay Garin ang nasabing tableta ay kayang-kayang bilhin ng mga magulang dahil ang halaga nito ay piso lamang kada isa.

Sinabi ng kalihim na matagal na ang nasabing programa ng pamahalaan para sa deworming ng mga bata.

Ang isinagawang deworming na bahagi ng paggunita ng National Deworming Day ay layong mapanatiling malusog at masigla ang mga bata./ Erwin Aguilon

Read more...