Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Yellow Rainfall Warning

(UPDATE) Dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat, nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA alas 10:00 ng umaga, yellow warning level ang umiiral sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Pampanga at Rizal.

Babala ng PAGASA sa mga residente, mag-ingat sa posibleng pagbaha.

Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang naka-aapekto sa lalawigan ng Bulacan at Cavite na tatagal sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan din ang mararanasan sa susunod na mga oras sa Tarlac, Laguna at Quezon.

 

 

Read more...