Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rolando Asuncion, hindi nila inaalis ang posibilidad na maaring maulit ang riot kaya paglalayuin muna ang mga preso.
Kabilang sa mga nasugatan sa riot kahapon sina Jaybee Sebastian, Peter Co, Vicente Sy, at si Clarence Dongail. Habang nasawi naman si Tony Co.
Ani Asuncion, tuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente, at kanilang madaling araw, na-review na ng mga imbestigador ng PNP-CIDG ang CCTV footage sa pinangyarihan ng saksakan.
Sinabi ni Asuncion na mabuting hintayin na lamang ang magiging resulta ng imbestigasyon ng CIDG upang maiwasan ang mga spekulasyon.
Kabilang din sa tinutukoy pa ng CIDG kung sino talaga sa mga preso ang sumaksak sa nasawing si Tony Co.