Tropical Storm Chaba patuloy na binabantayan ng PAGASA, nakatakdang pumasok ng PAR sa weekend

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang bagyo na nakatakdang pumasok sa bansa sa weekend.

Sa huling pagtaya ng PAGASA, huling namataan ang bagyo na may international name na Chaba sa 2,470 kilometers East ng Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 95 kilometers kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pakanluran sa bilis na 22 kilometers kada oras. Sa sandaling makapasok ito sa bansa ay papangalanan itong Igme.

Sa ngayon ayon sa PAGASA Southwest Monsoon ang naka-aapekto sa buong Luzon at Western Visayas.

Ayon sa PAGASA, magiging maulap ang lalawirin ngayong araw may may kaakibat na katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms sa Metro Manila at sa buong Luzon, gayundin sa Visayas, Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated rainshowers at thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng Mindanao.

 

 

Read more...