Duterte sa military exercises ng US at Pilipinas: “Huli na ‘yan”

 

Inquirer file photo

Nakatakda na sa susunod na buwan ng Oktubre ang pagsasagawa ng taunang military exercises sa pagitan ng mga pwersa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Pero sa kaniyang pahayag sa pagbisita niya sa Vietnam, sinabi ni Pangulong Duterte na ito na ang huli.

Ayon kay Duterte, bagaman pananatilihin niya ang military alliance sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na nilagdaan ilang dekada na ang nakalilipas, magsisilbi na siya ng notice sa Amerika na ito na ang magiging huling military exercise ng dalawang bansa.

Muli ring inulit ng pangulo ang kaniyang plano na makipag-alyansa sa China at Russia kung saan niya rin balak bumisita.

Samantala, bagaman aminadong hindi niya pa napapakinggan ang nasabing pahayag ng pangulo, nilinaw ni Foreign Secretary Perfecto Yasay Jr. na hindi basta-basta maaring putulin ni Duterte ang ugnayan sa dalawang bansa.

Read more...