De Lima, makikinabang sakaling mailigpit si Jaybee Sebastian-Aguirre

 

Tanging si Senador Leila de Lima ang makikinabang sakaling mapatay na ang high profile inmate sa New Bilibid Prison na si Jaybee Sebastian.

Sa press briefing sa NAIA, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na walang balak ang pamahalaan na ipapatay si Sebastian dahil ito ang itinuturong ‘point man’ ni De Lima sa oeprasyon ng ilegal na droga sa Bilibid.

Nakapagtataka ayon kay Aguirre dahil mayroon kaagad teyorya si De Lima na pakana lamang umano ng administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte ang riot kahapon sa Bilibid para idiin na naman ang mambabatas.

Ayon kay Aguirre, napakabilis na makabuo ng teyorya ni De Lima gayung ilang oras pa lamang ang nakalilipas nang maganap ang riot.

Payo ni Aguirre kay De lima, mas makabubuti hintayin nalang ang opisyal na report ng Bureau of Correction at huwag pangunahan ng ispekulasyon ang imbestigasyon.

Ayon pa kay Aguirre, walang ibang dapat sisihin si De Lima kundi ang kanyang sarili.

Read more...