2 month old baby, kabilang sa dalawang nasawi sa sunog sa Cebu City

fireNasawi ang isang dalawang buwan na sanggol at isang tatlong taon gulang na lalaki matapos tupukin ng apoy ang isang residential area sa Sitio Hillside, Barangay Talamban sa Cebu City kaninang umaga.

Narekober ng mga bumbero ang sunog na katawan ng dalawang biktima na kinilalang sina Bryle Cedric, dalawang buwan at Terrence John, tatlong taong gulang sa naabong bahay.

Nabatid na gawa sa concrete at light materials ang naturang bahay na pawang dalawang palapag ang taas.

Ayon sa mga imbestigador, naiwanan na natutulog ang dalawang biktima sa kanilang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay nang maganap ang insidente.

Nabatid din na mayroon susunduin sa eskwelahan ang lola ng mga biktima kung kaya iniwan muna silang natutulog sa kwarto.

Nasa trabaho naman ang ina ng mga biktima na si Kimberly Llorag nang sumiklab ang sunog.

Aabot sa dalawampung bahay ang natupok ng apoy na pawang mga gawa rin sa concrete at light materials.

Ayon kay Cebu City Fire Marshal Rogelio Bongabong, patuloy nilang inaalam ang dahilan ng sunog na umabot sa Task Force Alpha.

Read more...