Sen. Trilllanes, naghain ng not guilty plea sa kasong libelo

Kuha ni Rose Cabrales
Kuha ni Rose Cabrales

Naghain ng not guilty plea si Senador Antonio Trillanes IV sa kasong libel na isinampa sa kanya ni dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Sinabi ni Trillanes na hindi siya mapipigilan nito na pabagsakin ang mga corrupt na tao gaya aniya nila.

Ayon sa Court of Appeals (CA), guilty sa indirect contempt si Trillanes dahil sa kanyang ‘malicious’ at walang basehang alegasyon.

Nag-ugat ang kasong ito nang inakusahan ni Trillanes si Binay na sinuhulan niya ang ilang hukom sa Court of Appeals para maghain ng Temproary Restraining Order sa suspensyon sa kanya.

Iniutos ng Ombudsman ang preventive suspension kay Binay habang iniimbestigahan siya dahil sa diumano’y iregularidad sa pagtatayo ng Makati City Hall Buidling II.

 

 

Read more...