Sa kabila ng ‘crossing the Rubicon’ statement ni Pangulong Duterte, DFA itinangging tatalikod na sa Amerika

 

Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr. na walang balak ang Pilipinas na tuluyang tatalikuran na ng Pilipinas ang mga commitment nito sa Amerika.

Ayon kay Yasay, dinadramahan lamang ng pangulong Rodrigo Duterte nang ihayag nito na malapit na ang senaryo na ‘crossing the Rubicon’ ang Pilipinas sa Amerika.

Katunayan, sinabi ni Yasay na maaring ang ibig sabihin lamang ng pangulo nang ihayag nito ang ‘crossing the Rubicon’ ay ang pagpapaigting pa ng relasyon ng Amerika at Pilipinas.

Sinabi pa ni Yasay na nais lamang ng pangulo na isulong ang independent foreign policy ng Pilipinas.

Ang ‘idiomatic expression’ na ‘crossing the Rubicon’ ay nagmula sa kasaysayan noong 49 BC kung saan tinawid ng army ni Julius Caesar ang Rubicon river sa northern Italy na naghudyat ng gyera sa pagitan ng Pompeii at Roman empire.

Ibig sabihin ng naturang pahayag ay ang pagdating sa puntong hindi na makakabalik pa sa isang pagkakataon o ‘point of no return’.

 

 

Read more...