2 lider ng Abu Sayyaf Group, patay sa engkwentro sa Sulu

UntitledPatay ang dalawang sinasabing lider ng Abu Sayyaf Group sa naganap na engkwentro sa Tambulian Island, Daungdung, Pata, Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Maj. Filemon Tan, nakilala ang mga nasawi na sina Nixon Muktadil at Brown Muktadil na mas kilala bilang Muktadil brothers.

Nabatid na nagsagawa ng strike operations ang mga tauhan ng Joint Task Force Sulu kaninang madaling araw na nagresulta sa pagkamatay ng magkapatid.

Ang dalawa ayon kay Tan ay sangkot sa pagdukot sa 26 na Indonesian at Malaysian sa karagatan.

Sinabi ni Tan na dahil sa pagkamatay ng dalawa mababawasan ang puwersa ni ASG lider Alhabsy Misaya sapagkat ang magkapatid ang nagsisilbing guide at navigator sa isinasagawa ng mga itong pagdukot sa karagatan.

Dinala na ang bangkay ng dalawa sa Sulu Police Provincial Office sa Camp Asturias, Jolo, Sulu.

Read more...