Dating sexy actress na si Sabrina M, kinasuhan na

Sabrina MSinampahan na ng kaso ang dating sexy actress na si Sabrina M.

Ayon kay Quezon City Police District chief Sr. Supt. Guillermo Eleazar, kinasuhan si Sabrina kasama ang dalawa nitong kasamahan dahil sa paglabag sa Section 5, 11 at 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang mga kaso ay isinampa sa Quezon City Prosecutors Office kaninang umaga.

Si Sabrina M o Karen Pallasigue sa tunay na buhay ay inaresto kahapon, September 26 sa isang buy-bust operation sa bahay nito sa Napocor Village, Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Kasama ni Sabrina M na inaresto at kinasuhan sina Erwin San Martin at Edwin Locsin Coloma.

Read more...