Malaking shabu lab sa Pampanga konektado sa Bilibid

mega-shabu-lab-092216
PDEA photo

Konektado sa mga sindikato ng droga na nag-ooperate sa loob ng New Bilibid Prisons ang shabu laboratory na nadiskubre sa Brgy. Laquis Arayat, Pampanga.

Galit na sinabi ng pangulo na hindi lamang tinanggap ng mga drug lord ang kanyang hamon kundi talagang ginagalit siya ng mga ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng malaking shabu lab.

Sinabi ng pangulo na isinasapinal na nila ang pag-verify sa nasabing koneksyon para mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng nasabing laboratoryo.

Nauna nang lumutang ang pangalan ni Sunday Chua na siyang may-ari ng shabu laboratory na natagpuan sa gitna ng isang hog farm sa bayan ng Arayat.

Ipinagtanggol din niya ang mga lokal na opisyal sa Pampanga na hindi nila kayang bantayan ang kabuuan ng lalawigan para matiyak na walang makakapasok na droga sa kani-kanilang mga lugar.

Sa kanyang pagsasalita kanina, muling inulit ng pangulo ang koneksyon nina Sen. Leila de Lima, dating Justice Usec. Francisco Baraan at mga dating opisyal ng Bilibid sa sindikato ng droga sa bansa.

Read more...