Bagyong Helen, napanatili ang lakas, magla-landfall sa Central Taiwan ngayong hapon

Napanatili ng bagyong Helen ang lakas nito at nakatakda nang tumama sa kalupaan ng Central Taiwan.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 345 kilometers North Northeast ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 160 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA ngayong hapon inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Central Taiwan at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.

Ang Typhoon Helen ay maghahatid pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa 800 km diameter na nasasakupan nito.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands at ang mga residente sa mga baybaying dagat ay binalaan sa posibilidad na storm surge.

Signal number 1 namanm ang nakataas sa Northern Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Islands.

 

Read more...