Talunang vice gubernatorial candidate sa Sulu, arestado; matataas na kalibre ng baril at mga bala, nasabat

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

(UPDATE) Arestado ang isang hinihinalang lider ng gun running syndicate na nag-susuplay umano ng armas sa mga political warlords at Abu Sayyaf Group sa Sulu.

Pinangalanan ni Philippine National Police chief, Director General Ronald Dela Rosa ang suspek na si Unding Kenneth Isa na isang talunang kandidato sa pagka bise gobernador sa Sulu sa kakatapos na eleksyon noong Mayo.

Kuha ni Ruel Perez

Ayon kay Dela Rosa, nasabat ang mga armas sa number 8, unit 4, 3rd Street, Barangay West Crame sa San Juan na napakalapit lamang sa Camp Crame.

Kung susumahin, aabot sa P6 na milyon ang halaga ng mga nasabat na armas na kinabibilangan ng limang M4, M203 grenade launcher, anim na M79 grenade launcher, dalawang M14 rifle, isang AR15 rifle, isang 45 caliber na may dalawang magazine at libu-libong mga bala .

Ayon kay Dela Rosa, tumatanggi si Unding na sabihin sa PNP kung sino ang mga pulitikong kaniyang sinusuplayan ng armas sa ARMM dahil sa pangambang balikan ng mga ito ang kaniyang mga kaanak na naninirahan sa Sulu.

Kasagsagan umano ng halalan nuong Mayo nang naging aktibo ang suspek na si Kenneth Isa sa gun-running activities kung saan tumakbo bise gobernador pero natalo siya sa Sulu.

Kinumpirma din ni Dela Rosa na karamihan sa mga bala na nasabat ay na-trace na bahagi ng government arsenal.

Mula Metro Manila isinasakay umano ng RoRo ang mga armas at ibinibiyahe sa Mindanao.

Maliban kay Unding, tatlo pang suspek ang nadatnan sa lugar na sinalakay at dinakip na kinilalang sina Hja Rismidona Isa, Aljamer Akarab Mandih at Hurbin Alhi Sahibu.

 

 

Read more...