Ayon sa chairman ng lupon na si Rep. Reynaldo Umali, lima ang kumpirmadong isa-subpoena at sila’y sina drug lord Jaybee Sebastian, Ronnie Dayan na dating driver ni Senadora Leila de Lima, Joenel Sanchez na security aide ni De Lima, dating BuCor Director Franklin Bucayu at Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Reginald Villasanta.
Sinabi ni Umali na tapos na ng committee secretariat ang draft ng subpoena para sa lima, at i-aakyat na sa opisina ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Batay sa mga naunang testimonya ng nga saksi, si Sebatian ay ang may kontrol umano ng drug trade sa Bilibid, habang si Dayan ay kumubra raw ng 10 million pesos na drug money at si Sanchez ang nagsilbing bagman ni De Lima noon.
Si Bucayu naman ay nakatanggap rin umano ng P1.2 million pesos na drug money kada buwan noong nasa pwesto pa sa BuCor, samantalang si Villasanta ay binanggit ni PNP Director Benjamin Magalong bilang isa sa mga kasama sa December 2014 raid sa NBP kung saan naitsapwera ang CIDG.