Pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa China at Russia tuloy na

 

Inquirer file photo

Bubuksan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag alyansa sa China at Russia.

Ayon sa pangulo, nakatakda siyang tumulak sa China para makipag-usap kay President Xi Jinping para lalong palakasin ang trade and commerce o ang kalakalan ng dalawang bansa.

Gayunman, nilinaw ng pangulo na hindi papasok ang Pilipinas sa military alliance sa China.

Hindi nababahala ang pangulo kung gigiyerahin ng Amerika ang Pilipinas dahil sa gagawing hakbang.

Paliwanag ng pangulo, wala naman kasing balak ang Pilipinas na makisali sa giyera ng China at Amerika dahil tiyak na magagamit lamang ang Pilipinas.

Read more...