Mga matataas na opisyal ng CPP, nakatuntong sa Malacañang

 

Inquirer Photo | Kristine Mangunay
Inquirer Photo | Kristine Mangunay

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaapak na sa Palasyo ng Malacañang ang mga matagal nang kaaway ng estado – ang mga matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte, nakasama niya sa hapunan ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Si Benito ay chairman ng CPP habang si Wilma ay secretary-general ng nasabing komunistang grupo.

Paliwanag ng pangulo bahagi ito ng civility.

Hindi aniya ito nangangahulugan na bagamat nakikipag giyera ang pamahalaan sa rebeldeng grupo.ay habang-buhay na itong gagawin ng magkabilang panig.

Mahalaga aniya na magkaroon ng pagkakataon ang dalawang panig na makapag-usap sa pag-asang maseselyuhan na ang kapayapaan.

Bukod sa mag-asawang Tiamzon, nakasama rin ng pangulo si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, pero hindi niya nabanggit kung para saan ang kanilang pagsasama sa hapunan.

Read more...