Nag-emergency landing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano ng Philippine Airlines na patungo sana sa Haneda, Japan matapos makaranas ng technical problem.
Sa unang ulat may nakita umanong usok sa cabin ng flight PR422 na umalis sa NAIA patungong Japan alas 9:32 ng umaga.
Pero agad itong bumalik at nag-emergency landing sa NAIA alas 9:52 ng umaga.
Ayon sa statement ng PAL, nakaranas ng technical concern ang nasabing eroplano.
Maayos naman ang kondisyon ng 222 na pasahero at 13 crew ng nasabing PLA flight.
Sinabi ni PAL spokesperson Cielo Villaluna, lahat ng pasahero ay pagkakalooban ng pagkain at isinakay sa susunod na PAL flight patungong Haneda, Japan.
MOST READ
LATEST STORIES