Sumailalim sa disaster response training ang halos 40 kataong sangkot sa iligal na droga na sumuko sa pulisya sa Davao City.
Tinuruan ng mga ito ng mga agarang dapat gawin sa gitna ng kalamidad at kung paano mag-assess ng mga naapektuhan nito.
Mula sa mga flood prone areas ang mga kalahok, gaya ng mga barangay Tigatto, Ma-a, 76-A, Matina Aplaya, at Matina Pangi.
Pinangunahan ng Regional Public Safety Battallion (RPSB) at Davao Central 911 ang pagsasanay.
Siniguro naman ni RPSB chief Police Senior Superintendent Joel Consulta na maasahan ng publiko na kayang rumesponde ng mga sumukong drug personality.
Layon din ng nasabing pagsasanay na mabigyan sila ng ibang pagkaka-abalahan at mailihis sila ng tuluyan sa ilegal na gawain.
MOST READ
LATEST STORIES