ang dating sexy star noong 90s na si Sabrina M.
Si Sabrina M. na Karen Pallasigue ang pangalan ay nahuli sa operasyon na isinagawa kagabi sa bahagi ng Pasong Tamo, Quezon City.
Ayon kay QCPD Director Guillermo Eleazar, may dalawa pang kasama si Sabrina M. nang ito ay maaresto na kinilalang sina Ewin Martin at Edwin Coloma sa mismong bahay ng aktres sa Palasugui Street sa Barangay Pasong Tamo.
WATCH: Dating sexy actress Sabrina M, ipinrisinta sa media | @isaavendanoDZIQ pic.twitter.com/Lgx9DLc6Ro
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 26, 2016
Narekober sa kanila ang tatlong plastic sachet ng shabu, disposable lighters at iba pang drug paraphernalia.
Ipinakita pa sa media ng QCPD ang umano ay video ni Sabrina M habang ito ay gumagamit ng shabu.
WATCH: Video ni Sabrina M kung saan mapapanuod ang paggamit nito ng ilegal na droga. @dzIQ990 (Note: date sa video hindi naireset). pic.twitter.com/LtgWuM9yO9
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) September 26, 2016
Si Sabrina M, 36 anyos ay nakilala sa mga mapangahas na pelikula noong 1990’s.
Siya ngayon ay nahaharap sa kasong paglabas sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.