Nagtungo sa Colombia si Dela Rosa para dumalo sa isang conference tungkol sa droga at terorismo na inorganisa ng State Department ng Estados Unidos.
Sa Colombia, nakausap ni Dela Rosa ang kanyang counterpart na si Colombian National Police Chief Jorge Hernando Nieto at doon natalakay umano nila ang parehong problema na kinahaharap ng dalawang bansa, partikular ang illegal drugs at insurgency.
Ayon kay Dela Rosa, maganda ang sistema na ginawa ng Colombia sa higit tatlong dekadang giyera kontra droga na nagresulta para maibagsak ang isa sa pinakamalaking drug cartel noon sa mundo na pinamumunuan ni Pablo Escobar.
Dagdag pa ng PNP chief, imumungkahi niya sa kongreso ang ilan sa mga batas na umiiral sa Colombia.
Balik bansa na si Dela Rosa matapos ang halos isang linggong pagbisita sa Colombia.