NABABAHALA tayo sa higit 3,000 namamatay sa anti-drug war, pero hindi ba mas nakababahala ang mga “mega shabu laboratories” na natutuklasan ng bagong PDEA?
Sa Barangay Lacquios sa Arayat, Pampanga, nalantad ang isang industrialized facility na may kasamang piggery at plastic melting plant na pinalilibutan ng 8-10 feet na concrete fence at kayang mag-produce ng 100 kilos (P500M) ng shabu araw-araw.
Sa kalapit na Bara-ngay Balutucan, Magalang, nadiskubre rin ang underground shabu lab sa loob din ng piggery at may pitong Chinese nationals ang arestado.
Nauna rito, ni-raid ang mga shabu lab sa Villa Dolores Subd., Bgy. Sto.Domingo, ganoon din sa Clover street, Ti-mog Subdivision sa A-ngeles City. Meron ding sinalakay na P4-bilyong shabu lab sa isang private warehouse sa Greenville Subdivision sa San Fernando.
Noong 2014, isang shabu lab sa warehouse ng ‘farmers cooperative’ sa Tarlac, malapit lang sa Angeles city, ang nadiskubre.
Lumilitaw dito na hindi lang sa Metro Manila merong malala-king shabu laboratory kundi sa Central Luzon ay naglipana rin ang mga ito.
Naalala niyo rin ba yung shabu lab sa Acacia St., Kanlaon at Country Drive streets sa Ayala A-labang na ni-raid noong 2012?
Nitong July 2016, sinalakay ng bagong PDEA ang mga shabu lab sa Philamlife village, Pamplona dos, Las Piñas, gayundin sa Exe-cutive Villagers Society, BF homes, Parañaque. Mga bagong tayong bahay at townhouse na i-nupahan ng mga Chinese nationals na hindi nahalata ng mga katabing homeowners.
Kapag nagkahulihan, kakasuhan, ikukulong sa city jail at kapag sentensyado ay sa New Bilibid Prison, kung saan nakaabang na roon ang mga drug distributors na “BILIBID 19”. Kaya tuloy ang kanilang negosyo.
Ang mga patayan sa kalye ay epektibo dahil matinding “sample” para sa akin ang “drug apparatus” na kontrolado ng mga tiwaling pulis, maging “ninja” o drug dealer.
Pero, kailan ba tayo makakarinig na matutumba ang mga may-ari ng mega shabu laboratories na ito? Kelan ba sila pakakainin ng bala ni PNP Chief Bato de La Rosa o maging si Pres. Duterte?
Noong araw, isang Chinese heroin manufacturer na nagngangalang Lim Seng ang binaril ng firing squad sa Fort Bonifacio (hindi sa Luneta gaya nang pagkakaalam ng iba) ni Pres. Marcos, panahon noon ng Martial law. Si Lim ay merong heroin laboratory sa Maynila , isa pang laboratory sa loob ng Tayag Compound sa La Loma Quezon City at ang kanyang front na Forever Printing Press sa Caloocan ang imbakan ng “raw materials” ng heroin mula sa Golden Triangle.
Nang mapatay siya, pumasok ang takot sa mga negosyante noon.
Pero ngayon na kahit nagtutumbahan na ang mga drug pushers at users, tuloy pa rin ang mga walang takot na big time shabu manufacturers at ang kanilang mga protectors sa gobyerno. Kunsabagay, nakakaiyak ang track record ng PDEA at DOJ sa prosecution, at nito lamang 2015 kung saan 30,282 ang isinampang kaso, 631 lang ang “convicted”. Ganoon din sa 2014, kung saan 636 lang ang sentensyado.
Ikumpara ito sa 57,000 self confessed pushers ng Oplan Tokhang.
Maliwanag na hindi na matatakot sa huli ng pulis o sa isasampang kaso sa korte ang mga mega shabu lab operators na ito. Sobra sobra na ang ebidensya. At dito, nakaabang ako sa gaga-win nina Bato at Duterte. Ano kaya ang hinihintay nila? At Bakit?