Huling namataan ang bagyo sa 610 kilometers East ng Basco Batanes. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands at signal number 1 naman sa Babuyan Group of Islands.
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga tuluyang lalapit sa lalawigan ng Batanes ang nasabing bagyo.
Bukas ng hapon ay inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo at magtutungo sa Taiwan.
Samantala, inalis na ng PAGASA ang yellow rainfall warning na umiiral sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, kaninang alas kwatro ng umaga, light hanggang moderate na pag-ulan na lamang ang umiiral sa lalawigan ng Quezon, Bataan, Batangas, Laguna at Pampanga.