Bukas na gagawin ang pormal na pag-aapruba ng pag-iimplementa ng rules and regulations ng Centenarians Act of 2016 sa pamumuno ni Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.
Sa ilalim ng Republic Act 10868, lahat ng Pilipino sa Pilipinas, maging sa abroad, na nakaabot sa ika-isang daang taon o higit pa ay magagawaran ng Centenerian gift na isang daang libong piso at Letter of Feliciation mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa dito, ang mga Pilipino na dadaan sa kanilang ika-isang daang taon ngayong taon ay bibigyan ng Plaque of Recognition at cash incentive mula sa lokal na pamahalaan ng tinitirhang lungsod bilang parte ng taunang Elderly Filipino Week.
Kasama sa mga ahensiyang aprubado sa Centenarian Act ang Department of Interior and Local Government, Department of Health at Commission on Filipino Overseas.
Ayon kay Taguiwalo, nararapat ito upang mabigyan ng respeto at tunay na malasakit ang mga Filipino centenerian.
Maliban dito, pinaalalahanan din ng DSWD chief na bigyang prayoridad ang mga senior citizen sa kanilang mga departamento at welfare desks.