Binalaan ng Abu Dhabi-based airline na Etihad Airways ang publiko ukol sa kumakalat sa social media na bogus ticket sales promotion.
Sa inilabas na pahayag ng Etihad, nakasaad na napag-alaman nila na may ilang bogus websites ang nag-aalok ng libreng airline tickets kapalit ng pagsagot ng participants sa isang survey.
Ikinokonekta pa aniya ito sa kanilang Facebook page para mas paniwalaan at i-share ng netizens.
Giit ng airline, anumang alok na Etihad Airways tickets na manggagaling sa naturang mga bogus website ay panlilinlang lamang at hindi galing sa kanila.
Wala aniyang koneksyon ang Etihad Airways sa mga naturang website at anumang ticket na manggagaling dito ay walang bisa at hindi nila tatanggapin.
READ NEXT
DOJ, tiniyak na dadalo si Jaybee Sebastian sa susunod na pagdinig ng Kongreso hinggil sa illegal drug trade sa Bilibid
MOST READ
LATEST STORIES