Metro-wide Earthquake Drill, lalahukan ng 6 na milyong katao

11790227_10206058644640316_1389258559_oAnim na milyong katao ang lalahok sa Metro-wide earthquake drill na isasagawa bukas, July 30.

Kasamang makikiisa ang mga paaralan, business establishments, mga barangay at government agencies.

Ang gagawing Metro Manila shake drill ay magsisimula alas 10:30 hanggang alas 11:30 ng umaga at ang night time drill naman ay alas 8:00 hanggang alas 9:30 ng gabi na gagawin sa Ortigas.

Kabilang sa mga ipakikitang scenario ang posibleng maging epekto sakaling tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, gaya ng sunog, pagbagsak ng mga debris, pagakasugat ng maraming tao, pagguho ng gusali at iba pa.

Ang 45 segundo na tunog ng mga kampana ng simbahan, emergency sirens at text blast mula sa National Telecommunications Commission (NTC) ang hudyat ng pagsisimula ng drill.

Kabilang sa mga gagamiting evacuation sites ang Intramuros golf course sa Maynila para sa Western section o sa mga manggagaling ng Maynila, Navotas at Malabon.

Sa Southern part naman ang Villamor golf course ang magiging evacuation site para sa Makati, Pateros, Pasay, Taguig, Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa.

Sa Northern Sector, ang Veterans Memorial Medical Center golf course ang evacuation site para sa Quezon City, Caloocan, Valenzuela, San Juan at Mandaluyong.

At ang LRT station sa Santolan, Pasig naman ang evacuation para sa Marikina at Pasig City.

May mga scenario din ng high-ladder rescue operations sa Ayala – Glorietta Mall sa Makati; paglilikas sa mga residente ng high rise condominium sa Eastwood sa Quezon City; seaborn medical evacuation sa Rajah Sulayman Plaza at Diamond Hotel sa Maynila; pagbiyahe ng mga biktima gamit ang Pasig River Ferry ng MMDA; at pagguho ng gusali sa Megamall.

Hinikayat ng MMDA ang mga nasa kanilang mga bahay na makilahok sa drill sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “duck, cover at hold” drill sa nasabing mga oras.

Ang mga motorist naman ay inaabisuhang huminto sa loob ng 45 segundo./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...