Lalaking sumuko na sa oplan Tokhang, patay matapos pagbabarilin sa Nueva Vizcaya

crime-scene-e1400865926320Patay ang isang lalaking sumuko noong nakaraang buwan sa pulisya dahil sa diumano’y paggamit ng iligal na droga sa Nueva Vizcaya.

Pinagbabaril ng riding-in-tandem si Fratz Winter Tan habang nakikipag-usap sa isang tricycle driver sa Barangay Banggot, Bambang pasado 7:20 ng umaga.

Ayon kay Chief Insp. Rafael Cabonitalia ng Bambang Nueva Ecija Police, tinamaan ng bala sa ulo at katawan si Tan na kaniyang ikinasawi.

Ayon kay Cabonitalia, nagpatuloy pa rin sa pagbebenta ng iligal na droga si Tan matapos itong sumuko.

 

 

Read more...