Pagkakapanalo sa Makati ni Mayor Abby Binay, pinagtibay ng Comelec

Abby-Binay (1)Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang protestang inihain ni dating Makati Acting Mayor Romulo “Kid” Peña Jr. laban kay Makati City Mayor Mar-len Abigail “Abby” Binay.

Sa pasya ng Comelec First Division may mga “discrepancies” at hindi sapat ang form at content ng reklamo ni Peña para maideklarang hindi balido ang pagkakapanalo ni Binay bilang Mayor nitong nagdaang May 2016 elections.

Ayon sa Comelec, nagsumite ng dalawang bersyon ng petisyon ang kampo ni Peña para iprotesta ang resulta ng eleksyon sa Makati na ang unang bersyon ay mayroong 22 pages habang 24 pages naman ang ikalawa.

Ang dalawang bersyon ayon sa Comelec ay kapwa bigong makapagbigay ng detalyadong impormasyon na magpapatunay na nagkaroon ng dayaan, anomalya o iregularidad sa mga ipinoprotestang presinto.

Hindi rin umano tinukoy ni Peña sa protesta ang partikular na presinto na sinasabi nitong nagkaroon ng pagkakamali sa scanning ng mga balota.

Maliban dito, hindirin umano nakapagbigay ng mga detalye si Peña hinggil sa mga balita na sinasabi niyang ni-reject ng PCOS machines.

 

 

 

Read more...