Free WiFi sa NAIA, pinalakas pa

Twitter Photo / @LiveSmart
Twitter Photo / @LiveSmart

Bagaman may libreng WiFi na noon pa, mas pinalakas pa ang internet connection sa lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport.

Ito ay matapos na ilunsad ngayong araw ng Smart Communications ang paglalagay ng SmartWiFI sa lahat ng apat na mga terminal sa NAIA.

Sa ngayon mayroon nang 1 gigabit per second na WiFi capacity sa lahat ng terminal ng paliparan.

Twitter Photo / @LiveSmart

Ayon kay PLDT spokesperson Ramon Isberto, kaya nitong serbisyuhan ng mabilis na internet ang nasa 3,000 users ng sabay-sabay.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade ipinanukala niya noon kay PLDT and Smart chairman Manuel Pangilinan ang paglalagay ng mas malakas na WiFi sa NAIA at agad naman itong pumayag.

Maliban sa NAIA, target din ng pamahalaan na makapaglagay ng libreng WiFi sa lahat ng 23 railroad stations, seaports at airports buong bansa.

Nauna na ring naglagay ng free WiFi ang Smart sa mga paliparan sa Cagayan De Oro, Bacolod, Iloilo, Roxas, Clark, Zamboanga, Laoag, Dumaguete, GenSan at Kalibo.

 

Read more...