Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay National Democratic Front o NDF chief negotiator Luis Jalandoni sa Davao City kagabi.
Napagdiskusyunan ng dalawa ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at NDF sa Norway.
Hindi nagbigay ang pangulo ng detalye ng naging pagpupulong.
Aniya, ipinauubaya na niya sa peace panel ng dalawang panig ang usapin.
Samantala, nagpulong naman noon Martes at Miyerkules ang peace panel negotiators sa Royal Norweigian Embassy sa Taguig City.
Ayon sa Office of the Presidential Advisor on the Peace Process o OPAPP, nagkasundo ang gobyerno at NDF na buhayin ang Joint Monitoring Committee para sa implementasyon ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.
Magpapatuloy ang pormal na usaping pangkapayapaan sa October 6 hanggang 8 sa Oslo, Norway.